Jena_YL156

wag i-cram ang mga major subject kung wala ka pa talagang idea ❗❗

Jena_YL156

Maaari ko bang aminin na naiinis at nagagalit ako? Hindi dahil sa ibang tao, dahil sa sarili kong pagkatao. 
          
          Kailan mo ba natutunan na isipin ang nararamdaman ng iba?
          
          "Nang maramdaman ko ang sarili kong lason."
          
          Anong lason?
          
          "Ang lason na sarili ko lang ang iniisip ko at hindi ako marunong makinig sa iba."
          
          Paano naman kung kailangan mong isipin ang sarili mong nararamdaman? Iisipin mo pa rin ang iba?
          
          "Oo, dahil iyon ang paniniwala ko."
          
          Toxic na 'yan, ipinapakita mo lang sa akin na hindi mo mahal ang iyong sarili.
          
          "Hindi ba maaaring... naiintindihan ko lamang sila kaya hindi ko na kailangan pang magalit o mainis?"
          
          Paano ka?
          
          "Magiging maayos din ako."
          
          Kailan?
          
          "..." Natigilan ako sa tanong na iyon dahil kahit kailan ay pinipilit ko na lamang ang aking sarili na ayos lamang ako. 
          
          Kung nagagalit ka, ilabas mo! Ipakita mo!
          
          "Hindi ko nais iyon."
          
          Emotions are meant to be felt!
          
          "HINDI KO GUSTONG ILABAS ANG TOTOO KONG NARARAMDAMAN DAHIL MAGBABAGO ANG TINGIN NIYO SA AKIN." Hindi ko na na-kontrol ang aking emosyon habang nakatingin sa sarili kong repleksiyon sa salamin. 
          
          Kausap ko ang aking sarili at natatanaw ko ang mga iilang butil ng luha sa aking magkabilang mata. 
          
          'Pagod na ako. Gusto ko nang sumuko.' Mga katagang paulit-ulit sa aking utak. 
          
          Isipin mo naman ang nararamdaman mo. Huwag lang puro sila. 
          
          Sa huling pagkakataon ay kinuha ko ang ballpen sa tabi ng aking desk at malakas na inihampas ang ballpen sa salamin. Narinig ko ang pagkabasag nito habang kao ay nakapikit at naramdaman ko ang agos ng dugo sa aking kanang kamay. 
          
          Patuloy na tumulo ang aking luha habang dahan-dahan akong napaluhod. 
          
          Gusto ko nang magpahinga habang buhay. 

Jena_YL156

Nangungulila na ako sa dating ako kung saan hindi ko kailangang isipin ang nararamdaman ng ibang tao. Kung saan maaari kong ilabas ang totoo kong nararamdaman. Parang ngayon ay pinipili ko na lang na huwag itong masyadong isipin at damdamin, ngunit mukhang mahihirapan ako.