1st poem:)
Nagsimula ang lahat sa pagkakaibigan,
Naging sandalan sa panahon ng kagipitan
Kaakay sa mabato%u2019t maputik na daan
Kasama sa ngiti at pagluha
Ngunit talaga sigurong hindi kailanman maiiwasan,
Ang madama ang ganitong klase ng damdamin
Lalo na kung ang tanging nag-uutos ay walang iba
%u2026%u2026.kundi PUSO
Ngunit nararamdaman ko man ay hindi ko magawang isiwalat
Dahil alam kong hindi nararapat iparamdam
Makakasakit lang ako ng ibang pusong nagmamahal din sa%u2019yo
At tunay na nagmamay-ari ng iyong puso.
Ngunit pilitin ko mang iwasan ka%u2019y mahirap gawin
Lalo na ika%u2019y malapit sa akin.
Pilit ko man iwaksi sa aking damdamin
Ang di- pangkaraniwang tibok ng puso ko sa%u2019yo
Walang magagawa kundi sarilinin na lang ito.
Lagi kong katwirang napapagod na akong umibig
Para pagtakpan ang nararamdaman
Ngunit sa totoo%u2019y natatakot lang akong magmahal
Baka malaman ko lang ang katotohanang%u2026%u2026
Ako%u2019y mahal na mahal mo rin%u2026%u2026..bilang
%u2026%u2026%u2026KAIBIGAN.