Sino rito ang nakaabot sa era ng pagbabasa ng eBook sa de-pindot na phone?
Yung may magsasabi ng, “Pasa mo nga ‘yung story,” tapos agad mong bubuksan ang Bluetooth para makatanggap ng file. Minsan, nauubusan pa nga ng space ang memory card kakasiksik ng eBooks kaya may mga pagkakataong kailangan mo pang mag-delete ng iba pang files para lang may madagdag na ang bagong ebook.
Nakakamiss ang mga panahong iyon. Wala pang masyadong apps, pero kayang-kaya mong magpuyat kakabasa sa maliit na screen. Ilang one-shot stories ang natatapos sa isang gabi, at kung minsan, buong story pa kahit napakarami ng chapters. Hindi mo namamalayan, umaga na pala dahil masyado kang na-hook sa mga character.
Dito rin ako na-inspire na magsulat noon, kaso wala akong gamit gaya ng laptop o computer kaya hanggang imagination at sulat-sulat muna sa papel.
2013-2015 was a different kind of happiness.
Anong mga Wattpad stories ang paborito ninyo noon?
Ako?
Diary ng Panget
Voiceless
Almost a Cinderella Story(?)