Minsang nagmahal.
Minsan na ring nasaktan.
Akala ko'y siya na ang sagot sa aking dasal,
Na hinintay ko ng kay tagal.

Ngunit nagkamali ako.
Siya pala ay manloloko.
Pinaasa ako sa kanyang mga pangako
Pagkatapos ay sasabihing siya lamang ay nagbibiro.


Umasa ako sa wala.
Malamang may pustahan ang kanyang tropa
At ako ang kanyang biktima.


Akala ko'y tunay na pagmamahalan
Yun pala ay dahil lang sa pustahan.
Labis akong nasaktan.
Kaya ngayon, ako ay luhaan.

-Purple
  • JoinedMarch 23, 2014




1 Reading List