Ang saya sa pakiramdam na nakasorry ka....yung feeling na gumaan yung pakiramdam mo...kanina nabibigatan ka tapos ngayon wala na.....ok lang kahit wala akong grade ang mahalaga lang makasorry ako sa kaibigan ko...yang grade na yan pwede pa naman bumawi sa susunod ehh. Eh yung pag-aaway niyo ng kaibigan mo? Mabigat yan dalhin. Mahirap rin matakasan...mararamdaman mo nalang na may tumutulak sayo para mawala yung bigat na nararamdaman mo....thank you po, lord kasi binigyan mo ko ng guide para sa ikakagaan at ikakasaya ng konsensya ko...salamat kasi may mga kaibigan akong madaling magpatawad, mabait at maunawain...sila yung mga kaibigang kahit gumawa ka man ng kalokohan handang handa kanilang patawarin para lang matapos na yung gulong ikaw mismo ang nagsimula...swerte ang magkaroon ng ganoong kaibigan..kaya salamat lord at nakilala ko sila...akala ko nung nagtapos na ko ng elementary..hindi magiging maganda ang buhay high school ko..akala ko magiging tahimik na ko sa high school pero mali ako...kabaliktaran masaya!! Lalo pa kong naging madaldal hahahha top 8 ako sa maiingay at proud ako dun kasi kasama rin yung mga kaibigan ko na walang ibang ginawa kundi makipag-ingayan kasama ako..dahil rin sa president namin na maingay sumaya ang section namin..pero syempre kailangan rin ng katahimikan....maraming nangyari..
Masama man yung mga nararanasan ko minsan parte pa rin yun ng buhay..hinding hindi talaga mawawala ang "malas" na word sa buhay..pero syempre kapalit rin niyan ang swerte...
Hahahahaha yung dati kong kaklase na hindi ko dati ka close ngayon kaklase ko pa rin at kaclose ko na! Ewan ko kung anong nangyari basta naging ganoon...tapos yung kaklase ko na akala ko nung una masungit..panget pala joke lang mabait pala...tapos yung ex crush ko na akala ko masungit, kj, at snobber...mabait rin pala siya saka di siya kj...snobber lang hahahaha ewan ko ba dun sinasapian ata kada araw papalit palit ng mood hahahaha charr..waahh so yun lang...salamat sa pagbabasa:)