OPEN LETTER PARA KAY SIR :)
Belated happy birthday sayo , Sir.
First year pa lang ako, deadbol na deadbol na ako sayo, ngayon pa't graduating na ako, mas lalo atang lumakas ang amats ko sayo. Ilang taon na mula nang umalis ka sa paaralaang pinapasukan ko, kasing tagal na rin ng panahong umaasa ako na sana muling magkita tayo. Kasabay ng matagal kong paghihintay, ang walang humpay kong kagagahang dumadaloy sa aking katawan. Sa panahong nawala ka, hindi ako tumigil kakatanong sa aking mga kakilala kung nasaan ka na ba? Kung nagtra-trabaho ka pa ba? O kung kayo pa ba ng babaeng matagal mo nang sinisinta. Sa aking pagtatanong, may mga bagay akong natuklasan, karamihan ay naghantong lamang sa isang matinding pagdaramdam. Ngunit sa kabila ng lahat, hindi ako tumigil sa paghahanap. Ngunit nagbago ang lahat nang nakilala ako ang isang transfer student sa aming klase.
Nang unang beses ko siyang nakasama, iba ang naging pakiramdam ko sa kaniya. Para bang ang gaan ng aking loob sa tuwing siya'y aking nakakasama. Kung kaya't habang siya sa ami'y nagpapakilala, ikaw ang naging laman ng aking mga kwento, na para bang parte nang aking pagpapakilala. Hindi nagtagal, mas lalong lumalim ang aming pagkakaibigan. Tuwing kaming dal'wa ay nagkakasama, walang araw na hindi kita nabanggit sa kaniya. Mga ngiti at galak sa kaniyang mga pisngi ay halatang halata, kung kaya't pati ang lihim na pagdaramdam sayo'y kaniyang nalaman. Dumating ang araw na siya naman ay umamin tungkol sa lalaking kaniyang madalas na nakakasama. Habang siya'y nagkwe-kwento, hindi ko maiwasang mapaisip nang taimtim. Bawat salitang kaniyang binibigkas, bawat kilos na sinasabing 'yong tao ang gumawa, maging ang mga salitang kaniyang ginagamit upang i-larawan ang lalaking minsang sininta, sa mga narinig ay tanging ikaw lang ang aking naalala. Hindi ko maintindihan ang naramdaman sa aking mga nalaman, ngunit namayani sa akin ang galak na ikaw ay makilala. Narinig ko na mahal mo pa rin siya, olats na talaga.