Magandang araw! Ako si Jysn, isang manglalakbay sa larangan ng pagsusulat na palaging naliligaw, akala'y malapit na, yun pala ay hindi pa. Madaming tunog at salita ang naglalaro sa isip at sinusubukang bigyan ng kahulagan ang mga ito sa pamamagitan nang pagsubok gumawa ng mga obra na hindi naman matatawag na tunay na talino, bagkus ay may nilalaman.
Isang ding tao na mahilig itago ang saloobin at hinahing sa Point of View ng ibang nilalang, ng kapitbahay, kaklase, tinapay; bato at alimoom. Marahil siguro'y takot na mahusgahan ng iba ang nilalaman ng isip sapagkat naramdaman na niya ito nang maraming beses paulit-ulit sa nakalipas na panahon. Kaya ngayon, narito ako... piniling magtago, at kung may makahanap man, kasalana'y ituro 'wag sa akin. Ang paghanap sa wala ay isang malaking kalokohan, pero ginawa mo pa din.
Ano ba ang iyong layunin?