Nais kong lakbayin ang sansinukob sa pamamagitan ng pagiging isang hamak na tartul. Nais kong ibahagi ang aking mga pangarap, habang ninanamnam ang sarap ng kalayaan sa pakikipagsapalaran sa walang hanggang panahon at kawalan. Nais kong mabuhay sa habampanahon, sa kabila ng katotohanang darating ang oras ng pamamaalam sa mortal na katauhan, dahil naniniwala ako na sa dako pa roon, may kapalarang naghihintay sa tulad kong mAhilig mangarap.

Iba ang totoong buhay sa pangarap, subalit hindi lang natin batid na nagtatagpo ang mga ito sa mga sandaling nauubusan tayo ng nakapapagod na gawain. Minsan,sa ating buhay, tayo’y naging bata, at ‘yan ang kabataang nangingibabaw sa ating puso at isipan, Gawa marahil ng likas na pagpapahalaga ng tao sa mga bagay na masasaya, magaganda, bago pa man nag-umpisang maranasan ang kaseryosohan, katotohanan, pagiging kumplikado ng tinatawag na buhay.

Oo, nais kong ibahagi ang aking pantasya, ang aking kaisipan, kung gaano ko ninais na mahanap ang mga palamuti ng buhay…sa pamamagitan ng mga pabula…

Maaaring sabihin ng iba na isa itong kabaliwan, subali’t mas nanaisin kong tawagin itong kaburyungan. Ang salitang "Buryong" na binigyan ko ng kahulugang ganito: bored na pagong at malapit nang ipasok sa mandaluyong.

Kung nais mong sumakay sa aking birtuwal na spaceship isuko mo ang iyong katinuan, pati na katalinuhan…upang tayo ay lubos na magkakaintindihan.

Dito sa aking mundo, walang sinusunod na batas ng grammar at literatura. Lahat ay tama, lahat ay katanggap-tanggap…dahil ang lahat ay may karapatang mangarap.
  • JoinedApril 13, 2014



Stories by KalahatingBuryong
TARTULAYT (D'adbentyur op Tartul en Prends) by KalahatingBuryong
TARTULAYT (D'adbentyur op Tartul e...
ang kuwentong ito ay kuwentong pagong. oo. at sinusubukang maglagay ng mga panibagong hakahaka tungkol sa pa...
di adbentyurs of b2 (buryong dos) by KalahatingBuryong
di adbentyurs of b2 (buryong dos)
ito ay katuwaang kuwento lamang. basahin lang nang mahimasmasan.