Hi, mga ate ko. I know hindi ako nag-po-post dito nang hindi related sa pag-promote ng stories. Kasi as much as possible, sinusubukan kong maging positive here kasi safe space ko ‘to. Pero I really need to ask for advice from strangers right now kasi hindi ko na alam ang gagawin ko. Just a quick background lang: Umalis ako ng bahay kagabi around 9:00 PM kasi may nangyari na naman sa bahay. Matagal ko na talagang planong magpaka-runaway bride, pero dahil sa nangyari kagabi, napa-alis ako nang biglaan to the point na naiwan ko pa yung phone ko. It's me my ngarag na tablet and laptop against the world ang atake ng ebabe ngayon (over naman sa commercial). Though feel ko naman na valid yung reason ng pag-alis ko, I can’t help but feel guilty kasi family ko pa rin sila. Sobrang bigat lang talaga nung feeling na pinaramdam nila sa akin (na naman).
I’ve had time to reflect and think, and planning ako na bumalik mamayang 1 or 2 PM para sure na walang tao sa bahay. Sobrang gulo ng isip ko kung itutuloy ko na ba ‘tong pag-alis kahit mahirap—since November pa ako naghahanap ng apartment pero wala pa rin or dapat bang magtiis na lang muna ako and be the bad bitch I always try to be? Text your answer sa 2236 kasi need talaga ng eababe ng helppppp