Kim_Cute25

Yung pakiramdam na halos walong taon mong minahal yung tao tapos sa chat ka pa na-busted! Naiintindihan ko naman siya pero siyempre masakit pa din.

AESTHEtrish_

To all the followers of this account please follow @KimOquendo ito po yung bagong account ni Kim_Cute25 dahil hindi nya na ma open tong account na to 

AESTHEtrish_

Ay sorry hehe
Reply

Kim_Cute25

Ngayo'y luhaan
          Ang puso'y sugatan
          Ngunit madaming aral ang natutunan
          Na balang araw ay aking maiintindihan
          
          Hindi na lang sana umibig
          Upang ang mga mata'y hindi nagtubig
          Hindi na lang sana nagmahal
          Pero ito'y nagbigay aral
          
          Sa aking puso't isipan
          Na ngayon ay nasasaktan
          Hinding hindi ka malilimutan
          Kahit ang puso'y duguan
          
          Ito din ay aking kasalanan
          Sa pagmamahal ng lubusan
          Tignan mo, ako'y nasaktan
          Sa sarili kong katangahan
          
          Hindi naman mali na ibigin ka
          Ang mali ay hindi tayo pareho ng nadadama
          Sino nga ba ako upang magdrama
          Kung sa umpisa pa lamang ay wala na
          
          Ako'y titigil na sa pangungulit
          Ngunit sa pagmamahal ay hindi na uulit
          Ako'y sawa na
          At hindi na aasa pa.

AESTHEtrish_

@Kim_Cute25 ang lalim ng pinaghugutan a
Reply

Kim_Cute25

@Azzee_lauxxx basahin mo pa yung mga tula ko sa baba
Reply

AESTHEtrish_

@Kim_Cute25 ok lang yan di nating matuturuan ang puso
Reply

sam_mysam

Good day! I hope you have time to notice this and do some enjoyable tasks. Join Ulzzang Gang Club to gain more true friends, followers, additional vomments and reads for your undiscovered stories! Just go to the profile of @ershiemendozxa or click the link below. Thank you in advance! Be the best author soon :)
          
          https://www.wattpad.com/story/188446989?utm_medium=link&utm_content=story_info&utm_source=android

Kim_Cute25

Pasensiya na
          'Di ko sadyang ibigin ka
          Maintindihan mo sana
          Labis ko ng ikatutuwa
          
          Hindi ko gustong mangyari ito
          Pinana lamang ni Kupido
          Marahil ay sa maling tao
          Pero  ika'y inibig ko
          
          'Wag mo ng tanungin kung paano
          Hindi ko din alam kung gaano
          Ako ma'y barumbado
          Ika'y aking siniseryoso
          
          Babae 'man ako
          Ngunit sino pa nga ba ang gagawa nito sa 'yo
          Hindi ko hinihiling na mahalin mo
          Pero sana'y mapansin mo
          
          Ayos lang naman
          Kung ika'y sa aki'y walang maramdaman
          Aking naiintindihan
          Huwag kang mag-alinlangan
          
          Paumanhin sa aking inaasal
          Sana'y hindi kita nasasakal
          Ako'y hindi nagtatanghal
          Pinapatunayan lamang na ika'y aking mahal.

Kim_Cute25

Hindi ko alam
          Pero ako'y nasasaktan
          Maaari ko bang malaman
          Kung ano ang dahilan
          
          Ang mahalin ka ay isang karangalan
          Na kahit minsa'y hindi pagsisisihan
          Maaari ka bang hagkan
          Kahit alam kong sa puso mo'y hindi ako ang laman
          
          Sabihin mo 'man isa akong hangal
          Ngunit ako lamang ay nagmahal
          Nagmahal ng lubusan
          Sa taong hindi kayang suklian,
          Ang aking nararamdan
          
          Kahit magpapansin
          Imposible ka na maging akin
          Sana nama'y dinggin
          Ang tibok ng aking damdamin
          
          Hindi ko 'man maiparamdam
          Sinisigurado kong ikaw lamang
          Huwag ka sanang magdamdam
          Akin lamang ipinapaalam
          
          Itong tula ay para sa 'yo
          Hindi 'man magkaroon ng tayo
          Ikaw padin ang sinisinta ko
          Ipinapangakong hindi mawawala ang pag-ibig kong ito
          
          Oo, mukha na akong tanga
          Pero mahal kita kahit nasasaktan na
          Madami pang iba
          Pero sadyang ikaw ay naiiba
          
          Hindi alintana ang bawat sakit na nadadama
          Kung para naman sa iyo, sa akin ay wala na
          Makita lamang kita
          Buong mundo'y sumisigla
          
          Ako'y hibang na
          Sa boses mo na nakakahalina
          Sa iyong mga ngiti na aking pinapantasya
          Sa iyong pag-uugali na sa aki'y nagpahanga
          
          Minamahal kita
          Sana'y iyong madama
          Walang hanggan kitang iibigin
          Hindi mo 'man ako mahalin.

AESTHEtrish_

Guys may bagong account si Kim yun lang daw ang e follow niyo. @KimOquendo
            
Reply

JohnMaxwellAlexander

@Kim_Cute25 HAHAHAHAHA
            should I prepare for a battle?
Reply

lumiereluna

Hellooo!! I hope you can support me on my work. If you have time, please do read it. Votes and comments would be highly appreciated, too. Thank you so much!! <333
          
          Here's the link: 
          https://www.wattpad.com/story/186636122-take-me-home
          
          P.S. I also have a one-shot story, entitled "strawberries and cigarettes". I hope you can check it out, too. Thanks!!

lumiereluna

@Kim_Cute25 of course! thank you so much and let's keep on supporting each other!! <33
Reply

Kim_Cute25

@lumiereluna sure thing! Then, can you do the same to me?
Reply