Nag sorry na ako sa feed nya kahapon. Ewan ko kung nabasa nya nang buo yung mga comments ko. Sinabi ko naman duon na perogative nya kung ano ang mangyayari sa plot and characters. Pero yung sorry ko is alam kong nasobrahan ako sa comment, pero dun sa sentiments ko sa story remains.
Sa akin kasi, pagbasa ko pa lang ng title, aakalain mo na may "happy ending" yung dalawang main protagonists, pero hindi ganun ang nangyari. Sa part ko as a reader, parang feeling ko is naloko ako. Alam ko na gawa nya yun at story nya yun, kaso sana makita din nya as an author ang point of views ng mga readers nya.
Ask ko lang sa iyo, may na post ba tayo dun na direktang napatama kay author? May mga na post ba tayo na offensive para sa kanya? Sa akin kasi, di naman sya yung (si author) ang kinaiinisan ko kundi yung character na si Ryne. Sana makita nya yung pain na cause nya sa readers dahil sa naging takbo ng story, yung mga umaasa na matutuloy ang love story nila Jo and Leroy sa Book2 pero di nangyari.
Kung baga, ang pairing is Arthit and Kongpob (Sotus/Sotus S) or Knock and Korn (Bad Romance/ Together with you), na sa umpisa pa lang is alam mo na sila yung pair, tapos kung kailan patapos na yung story, may susulpot na sisira sa lovestory nila. Ang sakit lang di ba?
Yun yung point ko, na build up ng husto, tapos biglang bumitaw.