Feb 1, 2018
Part 2
I remember those days na sobrang chill niya lang. Na di big deal sa kanya lahat ng galit ko. Na dinadaan niya ako sa mga ngiti niya kaya natutunaw yung galit ko sa kanya. Na kahit ilang sermon aabutin niya sa'kin, nandyan pa rin siya; nakatayo sa harap ko at nakangiti lang na parang hindi naapektuhan. Hays. Nakakamiss yung dating siya. Waaaahaha I can't stop crying rn kasi naalala ko lang yung mga panahong easy lang sa kanya lahat na di umabot sa ganitong sitwasyon namin.
Wala akong hinahangad na iba sa kanya. Ang gusto ko lang, sana yung dating siya bumalik. Yung kahit galit na galit na ako, nakangiti parin siya. Eh kasi ngayon, nagbago siya at lagi na niyang rason ay dahil nagbabago daw ang panahon. But I know nagbago siya dahil sakin; dahil sa pagiging obsessed ko, posessive, lahat big deal ni konteng bagay, sa lagi ko siyang iniisipan ng masama, na sinasakal ko siya. Honestly, fini-fixed ko naman yung pagkakamali ko noon sa kanya kasi biglang isang araw, naging iba na siya.