Sa tingin ko oras na para magising sa katotohanan na ayos lang na hindi ako masaya. Ayos lang kung hindi ako nakatawa.
Na hindi ko na kailangan pang humanap ng magpapasaya sa'kin kasi kontento na ako sa nararamdaman ko.
Kahit 'di ko man maisatitik ang aking nadarama ay ayos lang sapagkat alam ko sa sarili ko kung ano ito.
Ayos lang na hindi ako masaya pero hindi rin ako malungkot. Ayos lang na hindi ako nakatawa pero hindi rin ako nakabusangot.
'Yung puntong hihiga ako sa aking higaan, yayakap sa aking unan, dadantay sa isa pang unan, tatalukbong--- ibabalot ang sarili sa makapal na kumot saka dadamhin ang lamig ng paligid. Iyon na 'yun. Ayos na 'yun. Kontento na ako roon.
Hindi ko na kailangang hanapin pa sa labas ang kaligayahang sa sarili kong lamang mararanasan. Makokontento na ako roon.