Gusto ko lang i-share yung ginawa ko kanina. Ito yung first spoken word poetry na nagawa ko. Hahahaha. Hope you like it
"MALI"
Sa dinami-dami ng taong pwedeng mahalin jan, bakit ikaw?
Sa dinami-dami ng taong pwedeng magpasaya sakin, bakit ikaw?
Sa dinami-dami nang pwedeng magustuhan ko! Bakit ikaw?
Ang tanga ko noh?
Oo ang tanga ko
Ang tanga ko na ikaw ang minahal ko
Ang tanga ko na bakit kailangan kong mahulog sayo
Ang tanga ko dahil sana hindi nalang kita kinaibigan
Ang tanga ko...
Ang tanga ko palang magmahal ng isang tulad mo
Bakit ganun?
Nagmahal nga ako. Bakit sa maling tao pa?
Nahulog ako sa maling tao pa
Ang tanga-tanga ko
Ikaw..
Ikaw yung unang tao nagpatibok sa puso ko
Yung taong nagpapasaya sa buong araw ko
Yung taong kailangan kong makita sa buong araw ko
Ikaw lang yung taong minahal ko ng ganito
Pero sayo..
Sayo ako nagpakatanga ng todo
Sayo ako nahulog ng todo
Masakit..
Masakit mang isipin na kahit may mahal ka nang iba patuloy parin akong nagmamahal sayo
Kaya mahal
Andito lang ako
Andito parin ako
Patuloy na nagpapakatanga
At patuloy na nagmamahal sayo.