Magkaibang-magkaiba sina Sofie at Dence—parang gabi at araw kung ikukumpara ang dalawa. Si Sofie, isang istriktang pulis na kilala sa kanyang mataray na pananalita at matalas na tingin. Kilala rin siya sa kanyang "pamatay" na head slap na madalas niyang ginagawa kapag nawawalan ng pasensya. Kahit ayaw niya ng maingay, ang mga pinakamalalapit niyang kaibigan ay parang mga megaphone sa ingay. Gayunpaman, hindi maitatanggi ang taglay niyang kagandahan—ang kanyang mahabang kulot na buhok, matangos na ilong, at makikinis na pinkish na labi na nagbibigay ng kakaibang alindog. Sa kabila nito, tila wala siyang pakialam sa mundo, madalas nagkukunyaring bingi sa mga usapan ng tao. Ngunit kahit anong gawin niya, parating bumabalik ang tanong na naririnig niya mula sa mga tao sa paligid.
"Who's that girl?"
Series 2 of I'm Accidentally Pregnant With My Crush
https://www.wattpad.com/story/388712139