UPDATE! ! !
REINCARNATION SERIES 1: Rebirth of the Broken Hearts
CHAPTER 1
“Ipinahihiya mo talaga kami. Hindi ka na nahiya!” galit pa na hiyaw ni daddy. Pinagtitinginan na kami ng mga tao at pinagbubulungan pero parang walang pakialam sina daddy. Ni hindi man lang ako tanungin.
“Bakit ako na naman dad? Wala kayo kanina pero kung pagalitan niyo ako ay pumapanig kayo kay Pauline, alam niyo ba ang nangyari bago kayo dumating?” Hindi mapigilan na pagsagot ko dahilan para muli niyang iangat ang kanyang mga palad upang muling ilapat sa aking pisngi.
“Huwag kang makialam dito,” seryosong wika ni daddy na may halong awtoridad.
“Mas lalo mo lang ipinahihiya ang pangalan mo dahil sa ginagawa mo sa anak mo,” mahinahon ngunit seryoso na sabi rin ng lalaki.