Si Donna Sullivan, ay isang sikat na artista sa isang big artist agency. 24 years old at may iniingatang pangalan sa industriya ng show business. Ngunit sa likod ng kasikatan may tinatago siyang lihim na hindi dapat mabunyag. Ang alam ng publiko ay lumaki siya sa amponan pero lingid sa kaalaman ng lahat ay anak siya ng sikat na sexy star noon na si Pamela Andres, dahil sa kasagsagan ng kasikatan ng ina, iniwan siya noon sa isang bahay amponan kung saan lumaki siya kasama ang kababatang si Stell Romero.
Lihim niyang kinamumuhian ang sariling ina kung saan kailangan niyang matapatan ito sa larangan ng show business industry. Nakapagpangasawa naman ulit ang kanyang Ina sa isang matandang negosyante at politico na si Mr. Fidel Ferrer na may nag-iisang apo na si Kenneth Ferrer na nasa larangan ng sports industry.
Dahil sa kakasunod at pagbabantay niya sa kanyang Ina ay napantanto niyang interesado ito sa isang biyudong negosyante na si Lancelot Montemayor na may dalawang anak. 37 years old lamang ito't may itsura, hindi halatang may edad na. Mabait at philantropo si Lancelot kaya naaawa si Donna na madamay ito sa kasakiman ng Ina. Dahil diyan nagkusa siyang maging escort nito't maging fiancee kung saan ikinagalit ng ina.
Ngunit sa likod nang paghihigante niya may taong balakid para sa kanyang mga plano, si Pablo Herrera na mas kilalang si Alpha sa larangan ng motocross sports. Pamangkin ito ni Lancelot sa yumaong kapatid. Ang tingin ni Pablo sa kanya ay isang gold digger at masamang babae dahil sa nalaman niyang background nito sa Ina, ayon sa best friend nitong si Kenneth Ferrer kaya ginagawa nito ang lahat para pigilan ang kasal nila ng uncle niya na naging sanhi ng kanyang pagkagusto sa babae.