Respect po, guys!! hiatus po si author, kaya hindi pa natin sigurado ang mangyayari. Malay natin, sa huli ay si Donna at Blade talaga ang endgame—manifest lang tayo, guys! Antayin natin si author at huwag natin siyang i-bash. Dahil lang hindi endgame ang gusto natin, wala po tayong karapatang mag-desisyon kung sino ang dapat magkatuluyan. Siya po ang gumagawa ng story, siya ang nag-iisip at nag-eeffort. Reader lang po tayo. Gusto ko rin sina Donna at Blade. Pero kung sakali mang hindi talaga sila ang endgame o para sa isa't isa, tanggapin na lang natin. Wala namang masama roon. Si author pa rin ang magde-decide, hindi tayo. Sa huli, nasa kanya pa rin ang desisyon kung magiging masaya ang ending ng bawat story niya. At kung hindi man endgame ang DonBlade, huwag tayong magalit kay author. Oo, matagal na sina Donna at Blade, masaya sila, at mahal nila ang isa’t isa—pero hindi lahat ng mahal natin ay nakakatuluyan natin hanggang dulo. Hindi natin hawak ang tadhana. Kaya para kay author:) I trust you. Alam kong balang araw babalik ka at tatapusin mo ang mga story mo. Ibabalik mo kung paano mo kami binigyan ng aral sa mga isinulat mong istorya.. Heal well and rest, author. Aantayin kita. Hindi ako o kami susuko kakaantay sayo, loveyahh may MVD author