ANNOUNCEMENT!
September Batch
Muling nagbubukas ang aming tanggapan para sa mga bagong akdang nais idaan sa aming pagsusuri. Tatanggap kami ng mga nobela, maikling kuwento, tula atbp.
Kapalit nito ay ang murang singil na hihingiin ng aming mga kritiko bilang paglalaan nila ng oras sa inyong mga akda. Sa bawat 500 na bilang ng salita (word count) ay may karampatang singil na limang piso (5 php)
Magmensahe lamang sa aming tanggapan para sa inyong mga detalye. Narito ang format:
Name/Username:
Title:
Genre:
Type: [Short Story/Poetry/ Novel (insert link), et cetera]
Medium:
Demands:
Piece:
Ilagay rin kung ilan ang bilang ng salitang nais ipasuri.
Magbibigay kami ng oras hanggang August 31 para sa pagpapasa ng forms. Nililinaw lang namin na hindi na daraan sa publiko ang critique. Bagkus, ang transaksyon ay nasa pagitan na lang ng kritiko at ng may-akda.
Wricon Consultation!
Kami ay tatanggap na rin ng mga wricon entries na nais ipasuri! Nahihirapan kang manalo dahil hindi pa sapat ang iyong kaalaman sa teknikal na aspeto ng pagsusulat? Sa tingin mo ay hindi mo mailabas ang idea sa iyong akda? Tutulungan ka namin!
Paalala! Ang anumang maging problema sa pagitan ng wricon organizer at ng contestant ay hindi na namin sagutin. Hindi rin kami mag-e-edit ng inyong mga akda! Kami ay susuri lamang! At hindi rin ito libre. Ganoon pa rin ang singil: (500 words = 5 php)
Narito ang format:
WRICON CONSULATION
Name:
Title:
Genre:
Word count:
Piyesa:
Ilakip din ang link ng writing contest na inyong sinalihan.
Maraming salamat! Maligayang buwan ng wika!