LilGiant05
WRITING IS DISCOVERING. Nasa elementary pa lamang ako, gustong-gusto ko nang magsulat ng mga kwento. Kaya naman noong nag-high school ako up until now, sinusubukan ko talagang makapagsulat ng isang orignal story, na umiikot sa family, friendship and love, kahit na anong genre pa 'yan. Sulat, encode, post, delete. Ganyan ang kadalasang proseso ng mga gawa ko noon kahit ngayon. Ang dali kong ma-discourage sa sarili kong kwento. I want things to be perfect sa una pa lamang, which I later found out will not work in the field of writing. I started reading writing tips from websites and famous authors. Isa sa mga tumatak sa akin at binabalikan ko kapag inaatake ako ng writer's block ay ang Twelve Makabuluhan-Kuno Writing Tips (Baguhan Edition) ni Pilosopotasya. I found this in Wattpad. Aside from the tips, binigyan ako ng TMKWT ng mga realizations pagdating sa pagsusulat. Pagkatapos basahin ang TMKWT, nagsimula akong magbasa ulit ng mga novels. Binasa ko ulit ang mga favorite stories ko. I also read some new ones. Sa pamamagitan ng pagbabasa, mas nakita ko ang genre na gusto kong isulat. Dito na ako nagsimulang magplano ng isusulat. I kept most of my written drafts kaya hindi ako masyadong nahirapan sa pag-brainstorm. With the help of friends, unti-unti kong nabubuo 'yung kwento na gusto kong isulat. Until such time na naisulat ko ang summary ng "The Punishment Camp."
LilGiant05
I outlined WL: its characters, their traits, family background, fears, ambitions, strengths and weaknesses, struggles, and even their respective endings. All these I laid out sa notebook ko. In other words, planado na ang lahat. Panibagong lesson from this: No plan is perfect. I love the characters so much kaya nag-enjoy din ako sa pagsusulat. Bilang author, I can say that I created them. Pero habang tumatagal kong nakakasama ang mga characters ko, nari-realize ko na nagkakaroon sila ng sariling buhay sa kwento. One tip from Pilosopotasya was that after writing a few chapters, try to step back and watch your characters move on their own. Medyo deep pero naintindihan ko siya while writing WL. Dumating nga sa time na parang ako mismo nagugulat sa mga eksena sa kwento, lalo na sa mga desisyon na ginagawa ng mga characters. I, the author, no longer hold the reins. Kung sa simula I already established their traits and quirks, mas nakilala ko kung sino talaga sila when I saw them struggling in the story. Kahit na gaano ko sila kagustong maging perfect para maging perfect din ang kwento, it's useless. A story does not need a perfect character to have a perfect ending. A story needs a character who, even if imperfect, will give the readers a satisfying ending. An ending that the character deserves. While writing this post, I realized that discovering one's self also undergoes the same process. Akala natin sa una kilala na natin ang ating mga sarili. But when conflicts and challenges come, doon natin mas nakikilala ang ating mga sarili. Pinapatatag tayo ng bawat pagsubok sa buhay. So that at the end of it all, masasabi nating worth it ang lahat ng napagdaanan natin. That whatever our ending will be, we can truly say na deserve natin ito. We deserve the best ending of our story.
•
Reply
LilGiant05
"The Punishment Camp" was inspired by my circle of friends, our families and our personal struggles in life. Kasunod nito ang pagbuo ko ng rough draft ng "Academy's Five" na halos pareho ang main story sa TPC. Hindi ko naituloy ang pagsusulat sa mga kwentong ito dahil na rin sa studies and other commitments. Pero nang bumalik 'yung enthusiasm ko to write, I merged these two drafts into one long series na tinatawag kong "Dela Vega Chronicles." In this series, I gave each character of TPC and AF his/her own story to tell. Connected ang mga characters ng DVC which makes it more exciting and challenging on my part. The first story of DVC is entitled "The Lost Dela Vega." By reading the title itself, nagkakaroon na tayo ng kanya-kanya nating assumption as to what the storyline is. Very eager na ako noon to write and finish the story. I even uploaded this sa Wattpad. But then, nawalan ako ng gana when I re-read the story and found some loopholes sa kwento. I had the whole story outlined already kaya na-discourage talaga ko when I found the flaws. I tried to edit the uploaded chapters to make sense out of it, but the feeling just got worse. A lesson I got from this: Never edit your story when it's not yet finished. I distanced myself from writing pero nagpatuloy pa rin ako sa pagsusulat ng mga story ideas, scenes and plots. Patuloy din ako sa pagbabasa at panonood. Dito ako nagsimulang ma-fascinate sa mga fantasy and sci-fi stories. Ito ang nagbalik sa akin sa pagsusulat. I challenged myself to write something new. Dito na ipinanganak ang "White Light." Ang una kong inisip for this story ay ang mga characters. Sino-sino ba ang magpapatakbo ng kwento? From there, nagkaroon ng madaming possible plots. Kinailangan kong mag-adjust ng mga character traits and back stories para makabuo ng isang plot na may sense, kahit na hindi perfect. Hanggang sa nagkaroon ako ng isang simple pero interesting na plot.
•
Reply