MISTERGOODGUY
Good Day!,
This is MISTERGOODGUY, I just want pique your attention. I am also a writer just like you so if you don't mind, I will be posting this to your story board to plug my profile and stories so if you have time kindly check my profile. You will surely gonna like some of it. –Arigato!
LovelessEndless
娇小 + 戴夫 =
LovelessEndless
“Para Kay Dee” (revised)
Dee, ang tula nato ay para sayo
Mahal na mahal kita kahit tayo'y magkalayo
Miss na miss na kita
kailan ka ba babalik aking sinta?
Bawat araw, bawat gabi
Ako'y mag-isa sa silid nagmumuni muni
Naghahanap, nagtatanong kung bakit nagkaganoon
Kasagutan galing sayo ay nais kong itugon.
Dee.. Naalala mo pa ba?
Noong una tayong magkakilala
Sinabi mong ako si Luna
Diretsahan kang nagpakilala at sabing nais mo akong makasama
Sagot ko nama'y ikaw si araw
na balang araw, gusto kong maisayaw
Sa ulan tayo nagkakilala,
Pagkakakilalang mananatili na lang isang ala-ala
Isang ala-ala pagka't ako'y iniwan mo na.
Nandito nanaman ako,
sa lugar kung saan tayo nagkatagpo
Heto ako't naliligo sa ulan
Kalungkutan sa mata'y iyong kababakasan
Nakatingala sa milyong milyong mga tala
Dala-dala ang mga ibinigay mong ala-ala.
Naririnig ko na naman ang musikang paulit ulit na nag-aawitan
Musikang alam kong, ayaw ko ng pakinggan
Bawat mong kadahilanan sa'yong paglisan,
ay nagpapa-alala sa akin ng iyong kataksilan.
Ngayon ikaw ang unang sumuko at lumisan
Sa susunod,ako naman ang mang-iiwan.
LovelessEndless
*sending virtual hug*
(づ ̄ ³ ̄)づ♡
LovelessEndless
Dee,
Kahit ilang sorry, gagawin ko
Bumalik ka lang sa piling ko
Kahit kailan di ako naging masaya
Di masaya pagka't di ka kasama
Mahal mo pa ako diba?
Bakit mo pa ako iniwan?
Kinailangan mo ba talagang lumisan?
Tarantado ako oo,
isama mo na rin ang gago
ngunit pag sinabi kong mahal kita
maniwala ka--
pagka't akoy panigurado
Dee, saan ka na ba?
gagawin ko ang lahat bahala na
Bumalik ka lang aking sinta
Naalala mo pa ba?
Noong una tayong nagkakilala
Labing apat
yan lang siguro ang sasabihin ko para maging sapat
Labing apat (14)
Sa iyong minamahal ikaw ay nagtapat
Ako naman si tanga
Naging si “cupid” ika nga nila
Oo, martyr po ako
at tanga narin siguro
Ngunit kahit anong gawin ko,
Di pa rin nagbabago na ikaw ang mahal ko
Dee, naalala mo?
Sinabi mo mahal mo ako,
Ngunit ano bang isasagot ko?
Di ko alam kung ikaw ba'y seryoso
Minsan pa naman ika'y maloko
Ay ewan ko,
Basta't alam ko'y mahal mo rin ako
Di nga lang ako panigurado
Ngunit sa nrinig ko, ako ay kuntento
Dee, ilang buwan ba tayo?
Alam mo na ba ang totoong nararamdaman ko sayo?
Dee bigyan mo ako ng payo,
Paano ba mahalin ang isang katulad mo?
Oo, ikaw pa rin ang mahal ko,
Sa dalawang buwang lumipas walang nagbago
Ngunit ano na ba ako sayo?
Akala ko ba sabi mo mahal mo ako,
Anong nangyari't bigla kang lumayo?
Dee, ayaw mo na ba?
Ikaw ba'y sumusuko na?
Ako pala dito ang nakakatawa
Pinipilit ko pa rin kahit wala na..
nakalimutan ko na di pala tayo
So di pala dapat ako mag aasume.
Salamat nalang Dee.
Mahal parin kita
ngunit alam kong di pwede na,
Salamat sa mga magandang alaala
Kung anong gagawin ko, bahala na.
Ang importante masaya ka.
Mahal kita Dee,
Pinapalaya na kita..
LovelessEndless
Now the very least that I can do--
is to see you happy with someone new
To conceal and not feel
To pretend it's not real
To smile and move on
From everything that's going on
Have I lost you?
Yes--
without saying I love you too
LovelessEndless
"Huling tula"
Nabasa mo ang pamagat?
huling tula na ito na aking isusulat.
Di na ako tumutula
sapagka't ako'y sayo nagungulila.
Mahal kita, di pa ba yon sapat?
ginawa ko na ang lahat kahit na di dapat.
Saan ka na ba mahal ko?
ako'y lumuluha naghahanap sayo
Paulit-ulit na hinahanap ka,
ngunit kahit saan ay di kita makita.
Paano na ako?
di ko matanggap na ako'y iyong niloko
Marami pa tayong pangarap
miss ko na ang iyong mga halik at yakap.
"Dee, patawad"
dalawang salitang tumapos ng mundo ko
ano bang nagawa ko sayo?
minahal lang naman kita nang todo
bakit kailangan mo pang magloko?
Ako ba'y di pa sapat para sa iyo?
Saan ako nagkulang?
Saan ako nagkamali?
Mali ba na ikaw ang aking pinili?.
mga tanong na ayaw umalis sa aking isipan
Ilang taon na tayong magkatipan,
ngunit bakit?
bakit mo ipinaramdam sa akin ang ganitong sakit?
Tumayo ako mag-isa,
mag-isa na di ka kasama.
Ang mga luha ko ay titila din gaya ng ulan
Ang sakit ay mapapalitan ng saya't kaligayahan
Magsisimula ako muli,
muli akong magbabasakali
Hanggang sa dumating na araw na ikaw naman,
Ikaw naman ang masasaktan
masasaktan pagka't ako'y iyong pinakawalan.
(Girl)
LovelessEndless
'Te amo','I love you','mahal kita'
Mga salitang walang kwenta
wala ng kwenta dahil ako'y iniwan mo na.
Katulad na lang ng pangako mo'y
tuluyan ng napako
Saan ako nagkamali ?
mali ba na ikaw ang aking pinili?
Paano na ang ating mga pangarap?
Akala ko'y ang ating pagmamahalan ay wala nang kasing sarap
'Paulit-ulit nalang, di ka ba napapagod?'
Mga salitang iyong binitawan
iyong binitawan bago ka lumisan
Paano naman ako?
Di ka man lang nagtanong.
Sa totoo lang, pagod na rin ako,
Gusto ko nang sumuko
Ngunit tuwing naalala kita,
ang mga alaala nating dalawa
Di ko makayanang lumisan,
lumisan at iwan ka.
'Mahal kita'
Mga salitang pinanghawakan ko
pinanghawakan ko kasi akala ko totoo
Akala ko pag mahal mo,
dimo isusuko.
Pag mahal mo,
babalikan mo.
Ngunit ilang araw na't di ka pa bumabalik
Nagdaan ang mga linggo't buwan
Hinahanap-hanap ka sa kung saan
Ilang taon na rin ang lumipas,
ngunit ang pagmamahal ko sayo'y di pa rin nagwawakas.
Gusto kong paniwalaan mo na hindi ako nagtaksil,
bagama't minahal kita higit pa sa mga dahil.
Kung saan ka man, alam kong masaya ka na
Hindi man ako ang iyong kasama,
ngunit ako'y kuntento na.
LovelessEndless
Tadhana,qiqil mo si ako ;-;