MS_ARCHAEOLOGIST
https://my.w.tt/MKl5Su8w07 The Poet & His Songstress updated na po Kahit nakapagtago na ako ay ginamitan ko pa rin ito ng Camouflage magic o pagbabalatkayo upang hindi ako mahalata ng kahit sino. Hindi ako pwedeng bumalik sa pagiging tutubi dahil hindi ko madadala ang tula. Ginamit ko ang Nature Camouflage upang makibagay lang ang katawan ko sa kulay ng paligid nang sa gano'n hindi mahalata ng ninuman na nandito pala ako. **** "TEKA! Dito ko lang 'yon nilagay kanina ah!" Hinanap ko 'yong notebook ko ng mga tula. Alam kong dito ko lang 'yon nilapag sa damuhan. Pinulot ko ang ballpen. Itinabi ko lang naman itong ballpen at 'yong notebook. "Sinong kumuha?" Imposible. **** MAY lalaking lumabas at...at hinanap niya itong tula! At....imposible! Siya 'yong...taga-lupa na humahabol sa akin!