Sa napipinto kong paglimot sa aking nararamdaman para sayo, nais ko pa ring baunin ang mga pagkakataong nagpasaya sakin ng dahil sayo. Kahit maikli lamang yung pagkakataon na nagkausap tayo, naalala at naalala ko pa rin ang mga iyon. Oo nga't wala ka namang kasalanan, marahil hindi nga lang ako ang tinitibok ng iyong puso.
Oo masakit. Pero pasasaan ba't maiibsan din itong sakit na nadarama ko. Isinusuko ko na sa tadhana at sa Panginoon ang kapalaran nating dalawa. Kung sakali man na bigyan tayo ng pagkakataong magkausap man lang, sana masabi ko lahat. Kung sakali lang naman.
Padayon.