Araw at Bituin. Dilaw at Asul. Langit at Karagatan.
Magandang araw, Laudes! ✨
Ilang araw at buwan ang lumipas, at sa wakas, bumunga na rin ang kakaibang dilim at liwanag sa gitna ng kalawakan.
Ito ang istorya ng dalawang estudyante—isa’y dilaw at isa’y asul . Isa’y langit, at isa nama’y karagatan.
Magkataliwas na katangian, ngunit magkaparehong kagustuhan: ang kalayaan.
Bagamat pahapyaw pa lamang ang mailalabas ngayong buwan, asahan n’yo ang paunti-unting pagkilala sa estorya.
Muli, magandang araw—at ito ang I Got an F, na isinulat ni Magnanimee sa platapormang Wattpad.