MariaCarlota_A
Open letter to my readers; Hello? Kumusta kayong lahat? Matagal na akong hindi nagpaparamdaman sa account na ito buhat ng sobrang busy ko sa aking trabaho. May ibang larangan akong tinahak maliban sa paggawa ng mga kwento. Isa na akong ganap na guro ngayon at nagtuturo sa isang kolehiyo. Gustuhin ko mang gumawa ng kwento ngunit sadyang napakadalang lang ang pagkakaroon ko ng free time at ayoko naman kayong bitinin sa mga gawa ko. Naisip ko minsan, hindi ko deserve ang suporta niyo dahil sa biglaan nalang akong nawala at hindi nagparamdam. I am battling with the choices kung ipagpapatuloy ko pa ba ang pagsusulat o tatahakin na ang ibang landas, at sa bawat araw na kailangan kong mamili daig ko pang pinagsakluban ng langit at lupa dahil alam kong sa larangan na ito ako masaya. Ngunit, may mga sitwasyon sa buhay na siyang magtutulak sa atin na gawin ang mga bagay na alam nating magbibigay sa atin ng pagkakataon na magkalaman ang ating mga sikmura, kaya ito ako ngayon, isang gurong nagbibigay ng inspirasyon sa mga kabataan na mag aral ng mabuti at mangarap. Para sa aking mga mambabasa, ngayong pasko, panalangin ko sa inyo ang malusog na pangangatawan, masaganang buhay at masayang pagdiriwang. Hindi ako mangangako ng kung ano-ano, pero sisikapin kung makabalik sa pagsusulat para sa inyo. Maligayang Pasko sa inyong lahat! Nagmamahal; Maria Carlota Alonzo
MariaCarlota_A
@Reamhel15 happy new year dearest. Thank you for staying and supporting me, well appreciated. Yes dear, I will write more :)
•
Reply
Reamhel15
@MariaCarlota_A hello ma'am author...Merry Christmas and blessed new year po....hoping pa rin po kmi sa pag update nyo sa story nyo,or looking forward to sa mga bago nyo pp mggawa pa na kwento....mghhintay po kami kung kailan po kayo free
•
Reply