Sometimes nakakadiscourage magbasa ng mga stories na... sobrang na- impluwesyahan ng KDramas or JDramas or whatsoever dramas.
Pag binabasa ko yung story, napapasabi ako na 'May ganito ba sa Pilipinas?' lalo na dun sa mga eksena na halatang sa K/JDramas talaga kinuha/inspired.
Hindi naman iyon masama, ang akin lang.. We're Filipinos and we're getting a lot of Opportunities for our works to get published. Lalo na dito ngayon sa wattpad, publishing is so mainstream.
Why not think of a plot that also involves your habitat? including those type of persons that you encounter each day. Yung mga nakakatawa, maldita, chismosa, adik, etc. Huwag kayong mag stick sa mga.. Gwapong Masungit, Babaeng happy-go-lucky, yung mga fangirls "kuno" na inaaway yung syota ng iniidolo. SRSLY, may ganun ba dito sa Philippines? siguro nga meron. Pero mas marami niyan sa mundo ng Asianovelas.
Be Realistic!
Write because you're in love with words and your imaginations
not, because you're in love with Korean and Japanese Actors.
Remember, bago mag- start yung mga best- selling novels turned blockbuster movies, walang sinumang tao ang ginawa nilang character reference. Ang mga karakter nila ay ginawa gamit ang kanilang matinding imahinasyon sa tulong narin ng mga tao sa paligid nila.
~pagpasensyahan niyo na, lasing lang ako ngayon kaya nagkaganito ;)