Anong gagawin mo kapag isang araw nanunood ka ng sine, nakatulog ka at pag-gising mo wala na ang lahat ng tao. Ikaw nalang mag-isa. End of the World na ba? Kinuha na ng mga aliens ang lahat ng tao? O nasa malaking production ka lang at ginogoyo ka ng Wow Mali. Na-lowbat ang cellphone mong Hello Kitty at Bumabalik sa panaginip ang mga ala-alang matagal mo nang kinalimutan. Saan ka pupunta kapag kulay pula na ang Buwan?
(EXCERPT) Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko si April sa aking tabi. Wala na ako sa loob ng maliit at madilim na tattoo shop. Inikot ko ang aking mga paningin at natagpuan ang sarili sa isang pamilyar na lugar. Tama oo eto nga, nasa Bermuda Motel ako. Yung motel sa may shaw boulevard sa likod ng ginagawang condo ng CityLand. Sa gilid ng paradahan ng jip sa tabi ng Lancaster Suite. Kasama si April, dito kung saan unang nangyari ang lahat.
http://www.wattpad.com/story/1833580-puwan-mini-novel