Sa likod ng tanong na “Nagseselos ka ba?” ay ang linyang “Please, umoo ka!’”
Hindi ba’t nakakatuwang isipin na meron taong selos na selos dyan dahil ibig sabihin lang nun na ayaw ka niyang i-share sa iba o ayaw ka lang niyang mawala. Patampo pa at tatanungin mong, “Nagseselos ka ba?” Minsan, matatawa kang talaga sa inaasta niya. Dahil hindi niya masabi-sabi sa’yong, “Oo, nagseselos nga ako!” Ang cute lang diba? Makikita mo sa itchura niya kung papano siya magselos. ‘Yun lang naman ang dahilan ng salitang SELOS. Wala namang taong magseselos dahil wala siyang rason. Nagseselos siya kasi…
Ayaw ka niyang mawala.
Ayaw niyang mahulog loob mo sa iba sa tuwing may nakakausap kang iba.
Mahalaga ka sa kanya.
Tiyak mahal ka niya!
Minsan, ‘wag kang mainis kung sobra siyang magselos sa iba. Sa ibang pagkakataon kasi, ito ‘yung nagiging dahilan ng mga away, or worst, hiwalayan! Ayos na ‘yun no, kesa naman parang wala siyang pake sa’yo kahit sinuman makasama o makausap mo. Iba pa rin ‘yung feeling na parang pinagdadamot ka niya sa iba, kesa naman hahayaan ka lang niya.
#friends with benefits