Isa nanamang wattpad user! Nagbabasa, ng mga istoryang matipuhan. Nagvo-vote kapag ang storya'y nagustuhan! Nagco-comment ng mga walang kwentang comment (mema lang), pero 'wag ka, kapag sinipag 'to (milagrong mangyari) magL-LSM yan sa comment section! I-fo-follow ang manunulat kapag gwapoㅡeste kapag nagandahan sa istorya!

Isang daang beses ng nangarap maging isang manunulat (uy, nabilang!) Pero dahil walang milagro (hindi sinipag) ayun nasa drafts nalang 'yung kwento, natutulog. 'Wag kang maingay ah? Baka magising at bungangaan ka. Sure ako sasabihin no'n,"Potangina, natutulog ang tao e. Istorbo ka. Kung ayaw mong matulog, magpatulog ka!" Kapag nangyari 'yun, ang sabihin mo'y ganito: "Tao k b????" Ngitian mo ng nakakaloko, ilabas mo rin dila mo, para lalong maasar. 'Pag naasar 'yan, humanda ka na sa sasabihin n'yang, "Eh ikaw tao ka ba?" At dahil tao ka nga, sasabihin mo, "Oo naman." Babanatan ka naman n'ya ng, "Bakit hindi ka mukhang tao?" Ngingiti s'ya sa'yo ng matamis. Wala ka ng nagawa kun'di mag-walk out. Asar ka kasi ng asar, pikon ka naman. Gayahin mo si MhieMhiw, napalayo na sa pag-d-describe sa sarili n'ya, dahil k'wento ng k'wento tungkol sa nangyari sa'yo at sa kan'yang k'wento. Kukunot ang noo mo dahil hindi mo maintindihan ang sinasabi ni MhieMhiw. Napa-"Ha?" ka nalang.

Isa lamang ako sa bilyong-bilyong wattpad user. Wattpad user na halos dumikit na ang mata sa cellphone, halos lumuwa na nga ang mata ay ayaw paring magpahinga sa pagbabasa.
  • Edi sa poso mo
  • JoinedNovember 4, 2017



6 Reading Lists