Hideout Of Hearts, 2 updated :)))
“Uh… hi,” sabi ko, halos pabulong. “Sorry sa palo. At… sorry ulit.”
Tumitig lang siya sa’kin na parang nagde-decipher ng subtitle.
“Do you—uh—understand?” tanong ko ulit.
Tumango lang siya. “A little bit. Did you… cry?”
Bigla akong nahiya saka pinunasan ko ‘yong ilong ko na may umagos palang sipon. “Hindi ah! May allergy lang ako sa mga pogi.”
Ngumiti siya, ‘yong tipong hindi naniniwala pero ayaw na ring makipagtalo. Tapos, tumayo siya at pinagbuksan ako ng gate.
“You… stay here,” sabi niya, at tumuro sa gilid. “Just don’t hit me, okay?”
Natawa ako kahit pilit. “Promise. No hitting. Maliban na lang kung totohanin mo ‘yong ‘my turn’ na sinabi mo sa barangay kanina.”
Wala na siyang sinabi. Mukhang mahiyain din siya pero alam kong hindi judgmental. Hindi niya rin siguro mahusgahan ang tulad ko kasi hindi naman siya nakakaintindi ng Tagalog. Baka nga namura na niya ako kanina sa lenggwahe nila, eh. Pero hindi ko inaasahan ‘to. Iyong parang napansin niya na kailangan ko ng tulong. Kung tutuusin, pwede niyang sabihin sa Tita niya na bigyan ako ng temporary restraining order, kahit OA ‘yon. Wala naman akong ninakaw, siya pa nga yata ang nagnakaw— ng puso ko.
Okay. Tatapusin ko na ‘to. Baka dala lang ito ng gutom dahil tinapay lang ang kinain ko kanina.
https://www.wattpad.com/story/403632907