Matagal na panahon na ang nakalipas noong ipinakilala ng mga dayuhang mananakop ang kani-kaniyang mga paniniwala sa Maharlika (dating pangalan ng Pilipinas). Bago pa man nila nasakop ang ating bayan ay mayroon na tayong sariling mga paraan ng pagsamba sa mga diyos at diyosa na siyang gumagabay at nagbibigay ng pag-asa sa sangkatauhan. 

Sino ang mag-aakala na sa hinaba haba ng panahon na nagdaan ay mayroon pa ring mga naniniwala sa mga nabanggit?

Ang "Aklat ng Maharlika" ay isang pagtatangka na buhaying muli at bigyang pansin ang ating mga katangi-tanging kuwento ng mga diyos, diyosa, at ilan pang kawili-wiling nilalang na parte ng ating kultura.
  • Las Piñas City
  • JoinedFebruary 9, 2022

Following