August 6, 2024
It’s been 5 months since we part ways, for him, I am nothing. But for me, he was my first love, my first heartbreak, my biggest lesson. He really has impact in my life. There are times I miss him. There are times I hate him. Sometimes I am angry, sometimes I am laughing on our happy memories, thinking it was just fun and games. That he just enjoyed every bits of his life without considering other people’s feelings, basta nagagawa nya lang lahat ng gusto nya. I thought, I am okay na. Okay na din naman. Tanggap ko naman na, na hindi nya ako minahal. Ako lang yung nagmahal. Natukso lang sya. Sana pala I didn’t let him crossed the line, maybe we are just happy as friends. Sana hindi ako naging marupok baka mas naging okay pa lahat. Naging mahina din kasi ako. Sana hindi ko na lang pinatulan yung panlalandi nya haha. Pero if ever magkita kami ulit, sana magaan na lahat, sana hindi rin sya mag-assume na hindi pa ko nakamove on haha. Well wala naman tayong choice kundi magmove forward. Tanggap ko naman na hindi kami para sa isa’t isa. Masaya na sya ngayon. And yung genuine happiness na pangarap ko, naniniwala akong mararanasan ko ulit yun, sa tamang tao, taong nilaan ni Lord para sa akin. Magbibigay si Lord ng taong magpapakita sakin ng totoong pagmamahal, kalmado at payapa. Yung hindi ko kaylangan ipaglaban kasi, effortless na para sakin sya. Sya ang lalaban para sa akin I can’t wait for that person to come. Nawa’y dumating na sya