Simula nang panibagong kabanata ng ating buhay tila ang aking makatang bibig at kamay ay nawala na.
Siguro nga dahil matagal na ng muli kitang isipin, ang aking naglalagablab na damdamin ay onting onting napupunta sa iba.
Ngunit, sa huli mauuwi rin pala ako sa iyong mga ngiti. Mabibihag sa iyong pagtawa, sa iyong mga mata, hindi ko napapansin ako'y muling bumabalik, ang puso ko'y muling nasasabik.
Sa pagpatak ng tinta sa papel ay muli, ang tula ay inalay sayo ang bawat talata.
Aking napagtanto, Ginoo, ikaw lamang ang nagbibigay ng ligaya at motibasyon sa aking puso.
hays, my makata self is not like before anymore. :(