MisterNobodyWrites

HELLO, READERS!
          	
          	I decided to unpublish MGA PAHINANG ATING BINUO for now. May mga bagay lang akong kailangan i-fix sa story, and ibabalik ko rin ito agad after. Siguro this will be my fresh start after a month of hiatus. Kailangan ko lang talagang magpahinga from writing and my daily routine these past months.
          	
          	Magda-drop din ako ng one or two chapters bilang pampalubag-loob sa isang buwang pahinga.
          	
          	Thank you so much sa understanding at consideration. Your support means a lot✨

MisterNobodyWrites

HELLO, READERS!
          
          I decided to unpublish MGA PAHINANG ATING BINUO for now. May mga bagay lang akong kailangan i-fix sa story, and ibabalik ko rin ito agad after. Siguro this will be my fresh start after a month of hiatus. Kailangan ko lang talagang magpahinga from writing and my daily routine these past months.
          
          Magda-drop din ako ng one or two chapters bilang pampalubag-loob sa isang buwang pahinga.
          
          Thank you so much sa understanding at consideration. Your support means a lot✨

MisterNobodyWrites

Pasensya na po, wala muna tayong update ngayon dahil hindi ko natapos ang Pahina Singko. Medyo masama talaga ang pakiramdam ko—ang bigat ng ulo ko dahil sa sipon at para pa akong sinasakal ng ubo. Bawi na lang ako sa susunod na linggo. Salamat sa inyong pag-unawa ❤️

MisterNobodyWrites

 BAGONG KWENTO! 
          
          Hindi ko na napigilan kaya narito na! 
          Kung may mga nag-aabang, ito na ang panibagong kwento, panibagong yugto.
          MGA PAHINANG ATING BINUO
          
           NAILATHALA NA ANG PROLOGO!
          https://www.wattpad.com/1550179263-mga-pahinang-ating-binuo-prologo
          
           Iskedyul ng Update: Tuwing Miyerkules at Sabado – dalawang kabanata bawat linggo.
          Mas maikli kumpara sa lingguhang update, ngunit masyadong mahaba kung tig-iisa lang, kaya hinati ko na.
          
          Nawa’y basahin ninyo at magalak sa bagong handog na ito. Lubos ang aking pasasalamat sa inyong walang sawang pagsuporta! ✨

MisterNobodyWrites

 MABILISANG ANUNSYO! 
          
          Wakas ng isang kwento. Pagtatapos ng isang yugto.
          
          KUMPLETO NA ang PATIBONG NG KADILIMAN! ✅
          
          Mas pinadali na rin itong basahin dahil hinati na sa mas maiiksing kabanata. Mula sa dating sampung kabanata na may tig-tatlong bahagi (hindi pa kasama ang prologo at epilogo).
          
          Nahati ko ito sa 35 kabanata, may kabuuang 37 kabanata na kasama ang Prologo at Epilogo.
          
          Maraming salamat sa lahat ng nakabasa na at sa mga magsisimula pa lang. Sana ay patuloy ninyong suportahan ang mga susunod ko pang kwento ✨

MisterNobodyWrites

 MABILISANG ANUNSYO! 
          
          Magandang gabi, mga mambabasa!
          
          Mababasa n'yo na ngayon ang KABANATA XI hanggang XX (11 - 20)! ✅
          
          Kasalukuyan ko pa ring inaayos ang iba pang kabanata. Mula sa unang humigit-kumulang 25 na kabanata, inaasahan na aabot ito sa higit 30 na kabanata sa kabuuan. Susubukan kong matapos ang lahat bukas! Kaya abang-abang lang sa mga susunod na update.
          
          Maraming salamat sa patuloy ninyong suporta at pag-unawa ✨

MisterNobodyWrites

 MABILISANG ANUNSYO! 
          
          Mababasa na ngayon ang KABANATA I hanggang X! ✅
          
          Kung nagtataka ka kung nasaan ang ibang bahagi ng kwento, pinili ko munang I-UNPUBLISH ang ilan dahil sa pagbabagong ginawa ko sa pagkakahati ng mga kabanata.
          
          Dati, sampung kabanata lang ito na may tig-tatlong bahagi, pero ngayon, hiniwa-hiwalay ko na ito sa humigit-kumulang 25 na kabanata. Mas maiiksi ngunit mas malinaw na kabanata para mas madaling basahin at mas maayos ang daloy ng kwento.
          
          Kasalukuyan ko pa itong inaayos, kaya abangan lang ang susunod na mga update!
          
          Maraming salamat sa patuloy ninyong suporta at pag-unawa ✨

MisterNobodyWrites

KUMUSTA, MGA MAMBABASA! 
          
          May mahalaga akong pagbabagong ginawa para sa TRAP OF DARKNESS — simula ngayon, ito ay may bagong pamagat na PATIBONG NG KADILIMAN.
          
          Dahil ang kwento ay isinulat sa purong wikang Filipino, minabuti kong iayon din ang pamagat upang tumugma sa buong tema at sa nais kong itayong pagkakakilanlan bilang manunulat.
          
          Huling ayos ng mga kabanata ay maa-update sa buong buwan ng July. Ito na rin ang magiging pinakahuling edit para sa Wattpad bilang paggunita sa unang anibersaryo ng kwento ngayong Agosto.
          
          Abangan din ang bagong kwento na magsisimula sa pagbukas ng panibagong kwento, panibagong yugto!
          
          Maraming salamat sa inyong suporta at pagtangkilik sa bawat pahina ✨