Hello po ate Mixhinita, nais ko lang po magpasalamat sayo dahil dun sa nagawa mong kwento na "My Lady Robot" grabe po na inspire po ako sa gawa nyo hindi po ako maka move on dahil sa sobrang ganda. Halos maiyak ako sa ibang part, sa dreame kona po sya binasa kasi nandun na po lahat ng kabanata. Alam mo po ba yung una kong nasa yang "My Lady Robot" na yan ay grade 9 lang po ako noon at ang nababasa kopa lang po noon ay hanggang kabanata 44. Tapos maka lipas ang ilang taon naalala kopa rin yung story at ngayong coming college na po ako tsaka ko lang naiisipan na simulan basahin ulit at tapusin kona rin. Iba po kasi yung dating nang ginawa nyong story sakin parang naging motivation hinding hindi kopo makakalimutan, na inspire po ako sa story na yun kaya nung nabasa ko sya ulit parang ayaw ko tapusin kasi parang nakakalungkot lang sya, nag start ako basahin nung July 21 hanggang July 23 kopo sya natapos. Ilang taon na rin po yung nakalipas pero hindi kopa rin nakalimutan yung title ng story mo kaya nung na bored ako naiisipan ko syang basahin, at ngayon tanda kopa yung ibang nangyare. Siguro babasahin at babasahin kopa rin po yung story yung "My Lady Robot" sana hindi po yun mawala dahil yung story nyo po ako gagawin kong inspiration. Maraming Salamat po sayo ate Mixhinita ❤️