alphabelat

hello, myka!! tips ba sa pagsulat ng story?
          
          first and foremost, ay dapat naranasan o alam na alam mo 'yung sinisulat mo hehe. siguro kung bago ka palang, teen fiction ka muna, pero depende pa rin sayo at sa mga gusto mo talagang isulat. 
          
          secondly, afterong magdecide sa kung anong genre ang gusto mo, magbasa ka muna ng mga ganoong libro. pero sa ngayon, hindi ka muna magbabasa as a reader — magbabasa ka na ngayon as a writer. pag-aaralan mo kung paano niya idesrcibe ung bawat scene: kung malalim ba o informal; kung saan niya nilalagay 'yung dialogues; yung mga punctation marks, paano niya ginagamit? mga ganon hehe. bali u can compare this one on eating. hindu ka naman kasi makakakilos kung hindi ka kakain diba? ganon din sa pagsusulat — walang lalabas na salita kung wala kang baon na salita sa isip mo.
          
          and yung third is, wag na wag na wag na waaag kang mag-eedit habang nagsusulat ka. word vomit dapat. kasi kapag edit ka nang edit, bura ka nang bura, pataas lang nang pataas yung expectation mo sa gawa mo hanggang sa tatamarin ka nalang sa pagsusulat. sayang naman 'yung plot kung hindi mo maisheshare sa iba, diba?
          
          ang pinakalast kong payo is that never be too hard on yourself. wag mo ipressure 'yung sarili mo. sa tingin mo ang cliché nung plot? sa tingin mo ang corny? sa tingin mo walang kwenta? paano naman 'yung tingin ng mga future readers mo? papadala ka nalang ba sa negativity ng utak mo? mali yon hahaha. tsaka kung sa tingin mo naman ay hindi talaga patok, okay lang 'yun. kasi kaya ka nga navsisimulang magsulat ay para matuto ka pa lalo. ako nga kahit na may mga naisulat na akong stories at may ilan na rin akong loyal readers, wala pa rin akong gawa na swak sa expecation ko sa sarili ko. kaya magsusulat lang ako nang magsusulat hanggang sa patok na hindi lang sa readers kundi pati sa sarili ko.
          
          hehe sorry ang haba huhuhu. wag titigil sa pagsusulat ah! continuous learning yan! 
          

Mmmmyyyykkkkaaaa

@alphabelat OMGGG!! thank you po, i've learned so much from you, dont worry im gonna mark what you've just said in my mind. Thank you po, take care!! ♡️
Reply