Masaya makita kang makamit iyo minimithi
Ngunit ansakit na makitang ialay ito sayong Binibini
Eh ako eto nakatingin at nagmamasid sa isang tabi
Na sana sa akin ialay mga ngiti sayong labi
Masaya makita kang makamit iyo minimithi
Ngunit ansakit na makitang ialay ito sayong Binibini
Eh ako eto nakatingin at nagmamasid sa isang tabi
Na sana sa akin ialay mga ngiti sayong labi
Mga bagay na naiisip ko dahil sa damdamin ko sayo
Bakit di nalang kaya magkatotoo
Siguro magiging masaya pa ako
Ngunit ang problema ko mga tao sa paligid mo
Kaya kahit anong hiling ko di magkatotoo
Alam kong kahit anong gawin ko hindi magiging tayo
Ikaw ay isang Adan na isang Eba ang gusto
Ano nga bang magagawa ko akoy isang Eba din naman na Adan ang pagkatao
Ngunit hinihiling kong kahit pagkakaibigan lang ang ibigay mo
Kay sarap isipin na ikaw ay mapasaakin
Ngunit kahit anong gawin sa isip nalang mangyayari ang mga gustong gawin
Kaya hanggang tanaw nalang kayang gawin
Ng puso kong punong puno ng damdamin
Heto na naman nakita na naman mga ngiti sa iyong mga labi
Kay gandang pagmasdan mukhang mong nawawalan ng mata dahil sayong pagtawa
Nangingibabaw iyong kagwapuhan sa iyong mga kasama
Ngunit wari koy ako lamang nakakakita
Kaya sana sa paglipas ng panahon makalimutan ko na ang minimithi dahil kahit anong gawing ipursigi walang kahahantungan itong tinitimpi dahil suntok sa buwan kung itoy ipipilit na makuha ka kasama ng mga ngiti sayong mga labi pero alam kong di natatapos lahat ang mga sandali dahil sa tamang panahon may darating na siyang magpapaligaya saking mga sandali
Kaya nagpapasalamat sa mga tao sa paligid na kapag ikay malapit kanilang pinipilit tuksuhin mga damdamin ngunit ikaw ay basta na lamang ngingiti kasabay ng mga mata mong nawawala sa iyong mukha na nagpapahina saking mga binti na kahit papaano'y kikiligin kahit kaunti
Sa kadahilanang kapag malapit ay napakainit parang kapag tayoy nagkakalapit kahit anong pilit na magkalapit alam kong di mapipilit na dumikit puso kong umiirit dahil iba ang gusto ng puso mong tahimik