Ako si Monette, babae, wala pang asawa at isang mamamayan ng bansang Pilipinas. Nakapagtapos ako ng kursong Bachelor in Clinical Psychology sa Polytechnic University of the Philippines (Ang State University na may pinaka-mababang tuition fee na P12 per unit).

Mahilig ako sa alagang hayop gaya ng pusa at aso. Mahilig din ako mangolekta ng stuff toys, sa ngayon tatlo pa lamang ang naalagaan kong mabuti . Hindi ako mahilig lumabas ng bahay. Mas gusto ko lang na tumambay at makisagap ng Wi-Fi ng kapitbahay. Mahilig din akong manood ng sine at makinig ng musika (luma o bago). Isa din sa hilig kong gawin ay ang kumuha ng litrato, gaya ng iba pinopost sa Facebook at Instagram. Mayroon din akong Twitter account pero ginawa ko lang iyon dahil mahilig akong mag-follow ng mga artista at makasagap ng balita.

Naisipan kong gumawa ng Wattpad dahil na-curious ako sa kung ano nga ba talaga ito. Hindi naman talaga ako mahilig magsulat pero gusto ko masanay. Alam ko may natatago din akong kakayahan sa pagsusulat kung sasanayin ko ang sarili ko. Mas bihasa ako sa pagsusulat sa wikang Tagalog kaysa sa wikang Ingles dahil bihira lang naman ako magsalita ng English at hindi naman foreigners ang mga nakakausap ko palagi. Ano ba naman ang simpleng pagpapahayag ng damdamin at kaisipan tungkol sa mga bagay-bagay, may kabuluhan man ito o wala sa atin at sa iba. Ang gusto ko lang ay palaganapin, pag-ibayuhin at palawakin pa ang aking kaalaman.
  • JoinedJanuary 13, 2013


Following


Story by Monet Tolentino
Ang Selfie by MonetTolentino
Ang Selfie
ranking #105 in selfie See all rankings