Maraming salamat sa follow kaibigan.
Ito nga pala ang short description.
RECRUDESCENCE, nag-mula sa salitang latin na RECRUDESCENTIA na ang ibig sabihin ay 'becoming raw again'. Mula sa pandiwa na RECRUDERE."re" ay 'again' at "crudus" ay 'raw'.
Sa salitang ingles naman ay isang pagbabalik ng isang bagay, sakit o tao matapos ang maiksing panahon ng pananahimik o kaganapan. Isang pagbabalik na may masamang dulot. Kadalasan ay hindi kanais-nais na kondisyon tulad ng mga karamdaman.
Ganito kung ituring ni Hans ang pagbabagong naganap sa kanya at sa kanyang mga kaibigan.
Isang sakit... salot... sumpa... at kapahamakan.
Isang hindi inaasahang pagbabago.
Simple at normal lamang sila. Bawat isa ay may pinagdadaanan gaya ng nakararami.
Ngunit isang araw, isang hindi inaasahang trahedya ang naganap at ang lahat ng sa kanila ay tuluyang nagbago nang sila'y magising. Ngayon ay makikipagsapalaran sila upang mahanap ang kasagutan, ang dahilan sa likod ng mga nangyayari. Ngunit kasabay naman ng pagtuklas ay siya namang maglalagay sa kanila sa panganib.
Sa isang lugar, isang trahedya at isang sikreto...
Lahat ay magbabago.
Magawa kaya nilang magtagumpay o mabibigo sila?
Ano ang maidudulot ng pagbabago sa kanilang buhay?
Ano ba'ng lihim ang kanilang matutuklasan?
Sanay mabasa mo ito, feedbacks are highly appreciated. Thank u.