Sa sobrang pangungulila ko kay sham, nakagawa ako ng malayang tula sa loob ng 8 minutes
(Cringe ko pero want ko ishare huhuhu)
Sa bawat pahina na hinahanap,
Ano nga ba ang tunay na pamagat?
Tila ba kalangitan ang libro ng propesiya,
Blanko ngunit alam kung ano ang totoo. Kung ano ang kanyang pagkatao.
Isang dalaga na walang kapantay ang ganda, walang kasing lakas ang mahika.
Ano nga ba ang nais niya? Sino nga ba talaga siya? At higit sa lahat, sino ang tunay na kalaban niya?
Ang lahat o ang sarili niya?
Ano pa ang silbi ng pagiging handa niya, kung ang kanyang mga kaibigan ay handa na rin silang talikuran siya?
Pero, pagdudahan man sya ng lahat,
ang pagtalikod pa rin nila ang syang pinamasakit sa lahat. At hanggang sa huling hininga, patuloy siyang magpapasalamat sa mga ngiti at memoryang nilang may duda.