MsGreenzelle

Mahirap 'pag frontliner, kailangan unahin ang work kesa sa wattpad. Sorry kung hindi nakakapag update. 

MsGreenzelle

Minsan nakakawalang ganang mag update at magsulat kapag may mga nababasa kong di magandang comments. Sana intindihin nyo naman hindi naman kasi ko bihasa. Choice nyo naman kung babasahin nyo pa o hindi na yun mga story ko. Noong una nagsusulat ako para sa sarili ko lang pero nung nagsimula nang may sumoporta at natuwa dahil sa story ko naging kayo na yung inspirasyon ko sa pagsusulat at pag a update. Kahit antok na, kahit busy at walang internet pinipilit ko mag update. Pero pag nakakabasa ako ng comments or message, hindi ako natutuwa at nakaka discourage magsulat. Hindi naman po perpekto ang author nyo. Tao lang din naman po ako, pumapalpak at nagkakamali rin. Kung wala din po kayo magandang sasabihin, wag nalang po mag comment o mag message. Magbasa nalang kayo ng tahimik. Ayoko sanang mang mute ng reader kasi pangit na gawain yon pero wag narin sana maulit yung may mag comment/message ng hindi maganda. Hindi naman itong pagsusulat lang ang ginagawa ko sa buhay para maging perpekto yung ginagawa ko. Sorry po.