Para po sa mga nawririters block
10 Writing Tips:
1. Magsimula ka na agad, huwag mo na ipabukas. Baka yung plot mo, plot na rin ng iba.
2. Alam mo na dapat ang una, gitna at huling mangyayari bago mo isulat ang kwento. Nasa isip na dapat yan.
3. Write a story outline. Isulat mo na sa notebook yung mangyayari sa kada chapter. Effective!
4. Magsulat ka kapag feel mo magsulat. Wag ka magsulat kapag mema lang feels mo.
5. Habang nagsusulat, magkape ka o di kaya kumain ng snacks para may pumasok na ideas. Wag puro kain bes, dapat may naisulat ka din.
6. Wag ka makinig sa mga taong hindi ka sinusuportahan sa pagsusulat mo. Gawin mo silang inspirasyon, isulat mo na lang yung inis na nafefeel mo.
7. Wag ka makinig sa other side ng sarili mo. Yung demonyo, yung pumipigil sayo magsulat. Huwag mo siyang pakikinggan please?
8. Kung isusulat mo siya sa Wattpad, hindi ka dapat matakot sa sasabihin ng mga readers mo. Buo na dapat ang desisyon mo. Una pa lang, alam mo na dapat na uso ang bashing now adays.
9. Mahalin mo muna ang pagsusulat, kapag nagawa mo yun mamahalin ka rin niya pabalik.
10. Kung hindi ka agree dito sa sinasabi ko, kung may pumipigil pa rin dyan sa utak mo. Huwag mo sundin ang writing tips na ito. Hindi pa siguro ito ang time mo.
Ctto. UndeniablyGorgeous Since 1892