Lumuluha na naman ang ulan, tila baga umaayon sa nararamdaman. Sa sobrang lungkot pagluha na lang ang natatanging paraan upang maibsan ang nararamdaman. Sabayan mo pa ng musikang may mensahang kaya kang durugin ng bawat salitang lumalabas sa bibig ng mang-aawit. Tila sinasampal ng katotohanan, katotohanan na hindi ka tanggap ng mundong mapanakit.