@ZyrelleShane
Magandang gabi rin sa'yo, Giliw!
Hindi ko man naipagkaloob noon ang kasunod ng aking mga salita, ngayon, hayaan mong ang simpleng mensaheng ito ang maging munting handog sa'yong kaarawan.
Maraming salamat sa buong pusong paghihintay.
Kailanman ay hindi nauupos ang alab ng aking pangarap, ang muling pagbalik sa tinta at mga pahina. Patuloy na naglalagablab sa aking puso ang pagnanais na buhayin muli ang mga kuwentong minsan ay naging tahanan natin. Hindi ka lamang karaniwang mambabasa, tinuturing kitang tala na patuloy tumatanglaw sa'kin bilang manunulat.
Maligayang kaarawan, mahal kong mambabasa.
Ang panahong ating hinihintay ay muling darating. Hanggang sa muli nating pagtatagpo sa bawat kabanata.
- Ang dating nawawala, ngunit muling magbabalik