Narilea

Saya ko today! 

Narilea

Isasailalim ko sa rekonstruksyon at editing ang "Ang Mga Liham Na Hindi Ko Ipinadala Sa 'Yo". Sa kasalukuyan ay kini-kritik ito ng mga Admin ng WWO bilang premyo ko nang maging isa ako sa mga nanalo sa Teaser Writing Activity ng nasabing grupo. Mananatili ang banghay ngunit may mangilan-ngilan lang akong aayusin sa pananalaysay. Maraming salamat sa lahat ng mga nagbabasa ng aking mga bungang-isip at sa mga sumusuporta sa akin, lalong-lalo na ang mga matatalik kong kaibigan na hindi nagdadalawang-isip sa aking kakayanang magsulat. Salamat sa paniniwala. Maraming salamat din sa Writers to Watch Out (WWO) na tumutulong sa aking maging mas mabuti pang manunulat.
          
          God bless y'all! ❤️

Narilea

Magandang gabi!
          
          Sa lahat ng mga nag-follow, nagbasa ng aking mga katha, sa mga nag-vote, at maging sa mga pasimpleng motivation sa aking nanghihinang kalooban— maraming salamat sa inyong pagtangkilik. Hindi ko alam kung ba't dumarami ang reads ng mga ipinaskil kong mga akda pero maraming salamat na rin, binasa man ito o hanggang view lang. Pinasaya ninyo ang mababaw kong puso.<3 Sana basahin nyo pa at i-vote na rin ang mga susunod na update ng The Girl Who See Smiles, Balak, at Ang Mga Liham na Hindi Ko Ipinadala Sa 'Yo.
          
          All glory and praise belongs to Jesus! Apart from Him, I am nothing. Have a good night sleep y'all! <3

Narilea

Minsan, kahit isa o dalawang tao lang 'yong naniniwala sa 'yong makakaya mo, makapagpapatuloy ka. Kasi alam nila, pilit mo mang itanggi, may nakikita sila na exceptional sa kakayahan mo.
          
          Huwag kang susuko!

Narilea

Madaling sabihin na kung mahal mo ang isang bagay, hindi mo 'to maise-set aside kahit sobrang dami mong deadlines. Ang hirap ipagsabay ng career at pagsusulat, lalo na kung nagsisimula ka pa. Pero kasi kahit mahirap ipagsabay, mahal mo, e. Kaya magpapatuloy ka pa rin kahit halos hinahatak mo na'ng sarili mo.

Narilea

Good day Readers! 
          
          Ibinalik ko na ang The Girl Who See Smiles (TGWSS) and may malaking changes na nangyari rito. But I can assure you that this is the better version than what I published before. This is a master piece in the making. Charing! I've got so much hope upon writing this novel. Sana masuportahan ninyo ang kuwento ni Vida at Tristan by reading it, voting, commenting, and sharing it to your reading friends.
          
          Don't hesitate to read my other published works too. Thank you! Mabuhay ang mga manunulat ng Filipinas!❤️
          
          https://my.w.tt/sLuHZio9Y4

Narilea

Good day, Reader! 
          
          Pansamanta kong in-unpublish ang The Girl Who See Smiles (TGWSS), may inaayos lang ako ng kaunti but will post it again soon. I need to do some reconstruction and editing e. Ang hirap kapag melancholic kang tipo ng writer. Haha
          
          So much for that, I want to give you a good one kaya ginagawa ko ang makakaya ko na makasulat ng kuwentong hindi lang puro kuwento ngunit may kuwenta rin. I'll keep you posted! Though I'm not sure if y'all really lend me time to read my works. Bahala na.
          
          Thank you for your trust and support! Mabuhay ang mga umuusbong na manunulat ng bayan!❤️