A simple reminder before reading my novel at kahit sa ibang writer.
✯ Unang una respeto. Marami sa mga reader ngayon ang nakakalimutan 'to. Hindi niyo alam kung gaano kami nawawalan ng confidence sa pagsusulat at kung gaano kahirap para sa amin na bumalik sa pagsusulat dahil sa ka walang respeto ng mga reader. Please say it in a nice way hindi yung paraan na puro mura at hindi magagandang salita.
✯ Avoid mentioning other characters from other writers. Please, please, please iwasan 'to nakakabastos sa part ng writer na ikumpara ang kanyang gawa sa iba. Ikaw kapag kinumpara na si ganito si ganyan mas maganda, mas magaling sayo, matutuwa ka ba? Di ba hindi.
✯ If you don't like the novel, please leave it alone. Hindi yung mag co-comment pa ng boring, ang pangit, ba't ganyan? Kawalang gana, etc. Please, don't waste your time trying to make the writer think that his/her novel is not good sa halip mag hanap ka ng nobela na pasok sa taste mo.
Things the reader should know about writers
დ Some of us ay hindi suportado ng parents at family kaya kahit unting support sana maibigay niyo.
დ Marami sa mga writers ang walang sariling gadget at nakikiharam lang kaya please understand kung hindi agad makapag UD.
დ Karamihan ng mga writers mga students o hindi naman kaya ay may trabaho na at kahit busy, kahit pagod gumagawa pa rin ng time makapag sulat lang.
Gusto ko lang sabihin na please appreciate our effort. Because the day will come when we put down our pen and finish the book we started as a writer. Kaya hangga't nandito pa kami appreciate and respect us. Tao din kami may damdamin at nasasaktan.
And to all my fellow writers proud ako sa inyo. Mag sulat tayong lahat hanggang sa kahuli-hulihang salita at letra ng ating libro, hanggang sa matapos ang ating nobela, hanggang sa makamit natin ang pangarap natin. Kaya natin 'to ❤️❤️❤️