NicoleButac

no one will ever probably read this so its better to post it here lol

NicoleButac

pano ko ba sisimulan? ang tagal na kasi simula nung huli ko tong dinagdagan. Nagsimula kasi sa simpleng katuwaan, sa mga asaran at sa kwentuhan pero wala namang lumagpas sa pagiging magkaibigan. Masaya ako wag kang mag-aalala, dahil alam ko ako'y iyong pinagkakatiwalaan sa mga problemang pinagdadaanan. Sa mga kabang nararamdan mo panandalian, kama'y ko ang iyong hinahawakan. Kasabay sa pagtawag ng aking pangalan. Minsan nalilito ako madalas naguguluhan, ano ba tong pinapakita mo? dapat ba kong may maramdaman? Sa pag lipas ng mga araw, nadagdagan ang mga alaalang itatago magpakailanman, lumalalim din ang pagtingin ko sayo, eh pano ba naman? Isang ganyan tao ba naman ang aking nasa harapan. May panindigan, game sa kulitan at ready sa seryosohan. Alam mo na yan. Pero aalis ka na, dahil katulad ng katulad ng mga araw ang mga tao ay lilipas din. Sa atin distansya ang mamagitan, mula dito hanggang saan? Sa totoo lang, di ko alam. Kahit ayoko, kailangan. Kahit laging parang kulang, kailangan. Kahit tila nakakapanibago, kailangan. Kasi sa susunod na ito'y madadagdagan, iba na sana ang laman.