1k+ reads??!!
I posted Rotten World: Infection back in September 24 2025 at hindi ko talaga inexpect na aabot to ng 1,000+ reads sa loob lang ng 4 months.
Nagsimula lang ‘to bilang isang idea, isang kwento na gusto kong isulat kahit hindi ako sigurado kung may magbabasa, kung may makakaintindi, o kung may mag-aabang. Maraming beses na gusto ko nang sumuko, maraming beses na tinanong ko ang sarili ko kung may sense pa ba ituloy ‘to. Pero heto tayo ngayon.
Sa lahat ng nagbasa, nag-vote, at kahit tahimik lang na sumusubaybay maraming salamat. Sobrang laking bagay nito para sa akin bilang writer. Hindi man kayo lahat nagko-comment, ramdam ko pa rin ang suporta niyo sa bawat read.
Salamat dahil sinamahan niyo akong buuin ang mundong ‘to. Hindi pa tapos ang kwento. Mas lalalim pa, mas mas lalakas, mas exciting. At pangako ko, ibibigay ko ang lahat sa bawat chapter na isusulat ko.
Maraming salamat sa 1K+ reads.
Hindi ko ‘to makakalimutan. ♀️