ANNOUNCEMENT:
Temporary Unpublishing for Revision
Hi Dandelions, magandang araw! Gusto ko lang ipaalam sa inyong lahat na itong Tagalog na version ng "SAMSARA" ay pansamantala kong ia-unpublish para irevise at mapabuti ang inyong karanasan sa pagbabasa. Ang layunin ko ay mapabuti ang kwento upang maging mas kaakit-akit at mas komprehensibo para sa inyo.
Kung inyo namang itatanong ang nasabi kong Part 2 nito, ikinalulungkot kong sabihin na hindi na ito matutuloy. Naformat kasi ang phone ko last-last month and doon lang naka-save iyong mga stories ko and all. May ilang kabanata naman akong naisalba dahil na-save siya sa drafts ko sa Wattpad pero nais ko sanang ihalo na lang siya sa revision ng Samsara.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa at suporta. Asahan ninyo ang pagbabalik ng kwento sa lalong madaling panahon. Kung mayroon kayong mga katanungan o opinyon, huwag kayong mag dalawang isip na iparating sa'kin. Maaari kayong mag iwan ng kumento o mag message sa akin. Nais ko lamang na maging karapat-dapat ito para sa inyong mga mata, at umaasa akong mas mapupukaw pa nito ang inyong interes.
Muli, maraming salamat sa inyong pag-unawa at pagtitiwala.
Love,
Nostalgia Venom