Bata palang, nangarap ng abutin ang bituin,
Nakatingala, minamasdan ang ningning,
Pilit inaabot ng kamay, ngunit sa huli nabibigo pa rin,
Namulat sa katotohanan na kahit anong pilit natin,
Kung hindi para sa atin, wala parin.
Onti-onting namumulat sa distansya,
Sa pagkakaiba naming dalawa,
Sa layo ng agwat namin sa isa't isa,
Sa katotohanang hindi ako pwede sa mundo niya,
'Pagkat buhay na kinabibilangan nami'y magkaiba.
Hindi ako bagay sa ningning niya,
Kulang na kulang ako't siya'y sobra-sobra,
Siya'y diyamante, ako'y walang halaga,
Alipin ako't siya'y maharlika,
Kahit anong pilit, hindi pwedeng ikonekta.
Tila mabigat na kasalanan ang aking paghanga,
Ang ibigin siya, hato ay kamatayan na,
Kontento na ako kahit sa pagsulyao lang sa kanya,
Ang kaalamang masaya siya, kahit sa piling pa nang iba.
'Pagkat alam ko kung hanggang saan lang dapat ako talaga.
Natural lang naman ang maging tanga kapag umiibig na,
Ang lumaban, kapag nagmamahal ka,
Ngunit alam mo rin dapat kung paano magparaya na,
Ang salita mga salita na tigil, at tama na,
Dahil hindi porket nagmamahal ka, mamahalin ka rin dapat niya.